Welcome To My Unofficial Site for Jodie Sta. Maria

All About Jodie...

Here are some articles I found about Jodie at Chismis.ph concerning her loveteam.

Jodie and Patrick (An Excerpt from a news article at chismis.ph entitled Patrick Garcia by Nora Calderon)
Sa movie, katambal ni Patrick si JODI SANTAMARIA. Madalas yatang sila ni Jodi ang pinagtatambal ngayon, tulad sa teleserye na Pangako Sa `Yo na sila rin ang magkatambal.

"Jodi is a close friend, barkada kami, magkakasama sa Tabing Ilog at sabi nga ni BARON (GEISLER), alagaan ko raw ang ka-loveteam niya. Mabuti rin naman iyong hindi kami masyadong identified sa aming mga ka-loveteam," sabi pa ni Patrick.

Jodie and Baron (An Excerpt from a News Article at chismis.ph by Lito MaƱago)
Samantala, napansin namin na lalong gumanda ang pangangatawan ni Baron. Madalas siyang tinutukso ng mga reporters na naroroon sa set kay JODI SANTAMARIA, kasamahan ng aktor sa talent center ng ABS-CBN.

Ngiti lang ang isinusukli ni Baron sa panunukso ng mga reporters.

"Wala `yun", halatang umiiwas si Baron na mapag-usapan ang relasyon niya kay Jodi. "We're just close. We're friends", tipong hindi alam ng aktor ang kanyang isasagot.





Only Jodie... (A news article by Eric John Salut)

Puwede rin sabihing taon ni JODI STA. MARIA ang year 2000. Gauging the projects she is slated to do, hindi pahuhuli ang magandang teen actress sa mga kasabayan niya sa bakuran ng ABS-CBN Talent Center.

Bukod sa magandang exposure niya sa Tabing Ilog, isang bagong primetime soap opera ang nakatakda niyang simulan. Nariyan pa rin ang regular exposure niya sa Magandang Tanghali Bayan MTB) tuwing Miyerkules.

"I cannot comment much sa new soap. Hindi pa kami nagi-start. Dapat noong first week ng September pero I don't know what happened. Exciting pero hindi ako makapag-comment dahil we have not started taping," pagbabalita nito sa amin nang huli naming makausap.

Sa bagong soap, balitang hindi si BARON GEISLER ang love interest niya kundi si PATRICK GARCIA. Hindi ba malinaw na pagtataksil ito sa Baron-Jodi loveteam?

"Hindi ko alam. Hindi ako ang nagdedecide on matters like that. Sa akin, trabaho `yung ibinigay, tatanggapin ko.

"I don't mind naman working with other actors. Trabaho itong ginagawa ko. At saka, Baron naman would surely understand kapag natuloy na `yon dahil alam niya na para sa akin din `yon. Sa growth ng career ko.

"Kahit siya (Baron), kapag na-pair siya sa ibang stars, okey lang sa akin. I wouldn't mind. Not at all!"

Hindi kaya pagmulan ito ng gap sa pagitan nila ni PAULA PERALEJO na siyang original loveteam ni Patrick?

"I don't think so. E, work nga lang ito. Kaibigan ko si Paula. Hindi mababaw mag-isip iyon. Alam niyang trabaho lang `yung sa amin ni Patrick. Kahit `yung sa kanila naman, purely work lang `yun!

"Naku, hindi ko naman pinangarap na dahil nakatrabaho ko si Patrick sa isang project ay masisira na ang friendship namin ni Paula. Hindi kami gano'n na magkaibigan."

So how's everything sa kanila ni Baron? Bakit nga nagkaroon ng impression na aso't pusa ang kanilang pagkakaibigan?

"Ewan ko nga ba! Kahit ako natatawa talaga! Siguro dahil we're not really serious naman e! `Yung sa amin, puppy love lang `yon. Kung mero'n pa bang masasabing puppy love.

"Honestly, may mga times talaga na super-tampuhan kami. Small things lang, pinag-aawayan na. Siguro dahil we're both young. Para kaming mga bata na naglalaro lang.

"We're not naman kasi serious talaga! Mahirap magpakaseryoso sa relationship ngayon. Naku, mahal ko pa ang career ko!" pahayag ni Jodi.

Malakas ang appeal ni Jodi sa kalalakihan. In fact, bukod kina Baron, LUIS `LUCKY' MANZANO ay may ilan pang teen actors na nagpapalipad-hangin sa dalaga. Pero tulad ng nangyari sa kanila ni Luis, hindi na rin sineseryoso ni Jodi ang mga ito. "Mahirap na," sabi nito. "Kung makikipagkaibigan kasi sa `yo ang guy, hindi ko masabi kung friendship lang talaga. Lumalabas pa rin na kakaibiganin kami pero later on, liligawan ka na.

"I am a lot careful now when it comes to dealing with guys. Mas maganda na `yung suplada ang dating mo kaysa naman super sa pagka-sweet na iba na ang dating.

"Sabihin na nila ang gusto nilang sabihin, nag-iingat lang ako. Ayokong masaktan in the end," tila may hinanakit na pahayag ni Jodi.

Sa tingin namin ay may `di magandang nangyari sa sandaling nakilala niya ang binata ni VILMA SANTOS. May kinalaman kaya ang sinasabing pagiging playboy ni Luis?

"Ayoko nang magalita. `Yung short-lived friendship namin ni Luis, enough na `yon. We have not seen each other for a long time now. Mabuti na rin `yun kasi busy ako."

Does she agree na playboy talaga si Luis? "Ibang tao ang nagsasabi nu'n. Marami akong naririnig. Pero siyempre, minsan, dapat mo ring pakinggan `yung sinasabi ng ibang tao minsan, tama sila e!"

Is she saying na si Baron pa rin ang deserving sa pagmamahal niya?

"Kahit gano'n kami ni Baron, kilala na namin ang isa't isa. Nagmature na kami sa isa't-isa. If there's one person sa showbiz whom I could say na kilalang-kilala ako, it's Baron talaga!

"In a way, kilala ko na rin si Baron. Alam ko na `yung moods niya. I know when he's in a bad mood. Siyempre, I would like to be with somebody na kilala na ako at kilala ko na," pahayag ni Jodi.



To Jodie, stay the same you are simply the BEST!